SINO KA??
Sino ka para magparamdam,
para tulungan ako, para pagtaguan ko,
para sundan ko ang bawat kilos mo,
at para sabihang mahal mo ako?
Sino ka para isipin ko,
para pangarapin ko, para sabayan ako,
para bantayan ko, para lapitan ko,
at para mahalin ko?
Sino ka para di ko makalimutan,
para ako'y malulungkot, para iyakan ko,
para pagsinungalingan ako,
para pagkatiwalaan ko?
Sino ka para pasalamatan ko,
para intindihin ko, para turuan ako,
para sirain ang araw ko, para tanungin ako,
at para saktan ako?
Sino kayo para pagselosan ko?
Sino ka para paglaruan ako,
para lokohin ako, para gawin akong tanga,
at para kausapin ako muli?
Sino ka para pansinin ko,
para lumapit, para dibdibin ko ang lahat,
para guluhin ang buhay ko,
at para iwan lang ako?
Sino ka para pagtawanan ako,
pagsabihan ako, para pagbigyan ko,
para gawin akong masama,
at para kaawaan ako?
Ano bang naging kasalanan ko,
Ano pang dahilan ng lahat ng ito?
Hoy tao!makonsensya ka naman,
sana'y mamulat ka na sa katotohanan.
Bat ko pa pipiliin ang tulad mo
at ipagpilitan ang sarili sa iyo
At para malaman mo,hindi ako tanga gaya ng iniisip mo!
para tulungan ako, para pagtaguan ko,
para sundan ko ang bawat kilos mo,
at para sabihang mahal mo ako?
Sino ka para isipin ko,
para pangarapin ko, para sabayan ako,
para bantayan ko, para lapitan ko,
at para mahalin ko?
Sino ka para di ko makalimutan,
para ako'y malulungkot, para iyakan ko,
para pagsinungalingan ako,
para pagkatiwalaan ko?
Sino ka para pasalamatan ko,
para intindihin ko, para turuan ako,
para sirain ang araw ko, para tanungin ako,
at para saktan ako?
Sino kayo para pagselosan ko?
Sino ka para paglaruan ako,
para lokohin ako, para gawin akong tanga,
at para kausapin ako muli?
Sino ka para pansinin ko,
para lumapit, para dibdibin ko ang lahat,
para guluhin ang buhay ko,
at para iwan lang ako?
Sino ka para pagtawanan ako,
pagsabihan ako, para pagbigyan ko,
para gawin akong masama,
at para kaawaan ako?
Ano bang naging kasalanan ko,
Ano pang dahilan ng lahat ng ito?
Hoy tao!makonsensya ka naman,
sana'y mamulat ka na sa katotohanan.
Bat ko pa pipiliin ang tulad mo
at ipagpilitan ang sarili sa iyo
At para malaman mo,hindi ako tanga gaya ng iniisip mo!
!!!

No comments:
Post a Comment